SUMMARY
Nitong Mayo 10, inudyukan ni National Security Adviser Eduardo Año ang Department of Foreign Affairs (DFA) na patalsikin sa Maynila ang Chinese embassy diplomats na naglabas sa media ng isa umanong recording.
Sabi naman ni Defense Secretary Gibo Teodoro, dapat daw imbesitagahan ng DFA kung nilabag ng embassy officials ng Tsina ang Anti-Wiretapping Act ng Pilipinas.
Ang 12-minute alleged recording ay pag-uusap sa pagitan ni Western Command chief Vice Admiral Alberto Carlos at isang “Chinese diplomat.” Ito raw ang patunay na ang Pilipinas – na umano’y kinatawan ni Carlos – ay pumayag umano sa “new model” ng kalakaran sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Last time we checked, ang tanging involvement ni Carlos sa action-drama na ito ay bilang bossing ng WesCom, at under…
Source:https://www.rappler.com/voices/editorials/enemy-within-west-philippine-sea/