SUMMARY
Nitong nakaraang linggo, nagulantang ang marami na totoo pala at may detalye pa ang matagal nang iginigiit ng Chinese embassy na “gentlemen’s agreement” sa pagitan ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte at gobyerno ni China President Xi Jinping.
Sabi nga ng Rappler reporter na si Bea Cupin, “It turns out, Beijing had been operating on a different reality.” Dagdag pa ni Cupin, magkaiba ang reyalidad ng dalawang bansa sa mismong “status of relations between the Philippines and China.”
Ayon sa Chinese embassy sa Maynila, ito’y isang “temporary special arrangement” na nabuo noong 2016, sa unang biyahe ni Duterte sa Tsina.
Sabi ni retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio walang kapangyarihan si Duterte sa ilalim ng Konstitusyon na isantabi ang s…
Source:https://www.rappler.com/voices/editorials/rodrigo-duterte-kowtow-diplomacy-gross-negligence/