[PANOORIN] Paninindigan ng mga sibilyan sa Pag-asa Island

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail

KALAYAAN, Philippines – Sa isla ng Pag-asa sa West Philippine Sea, patuloy na naninindigan ang mga residente laban sa China.

“Hindi kami aalis dito. Sa amin ito,” sabi ni Maribel Belono.

Dagdag niya, bagama’t palagi nilang natatanaw ang naglalakihang barko ng China na nakapalibot sa isla, ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na umalis na lang at mamuhay sa ibang lugar.

Binisita ni Senate President Migz Zubiri ang Pag-asa island nitong Huwebes, May 16, upang pasinayaaan ang pagtatayo ng naval barracks at Super Rural Health Unit.

Sabi niya, ang pagtatayo ng mga ito ay isang paraan para palakasin ang pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na patuloy na inaangkin ng China.

Maging si Zubiri ay sinalubong ng “verbal challenges” mula sa mga patrol ng China. Panoorin ang ulat…

Source:https://www.rappler.com/philippines/video-civilians-take-stand-pag-asa-island-may-2024/

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail