US nababahala sa kontrobersyal na bagong passport ng China

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Nais ng Estados Unidos na ipaalam sa China ang pagkabahala nito sa kotrobersyal na bagong mapa na nakatatak sa bagong passport ng China kung saan ipinakitang pagmamay-ari nito ang kabuuan ng West Philippine Sea (South China Sea).

Naaalarma umano ang mga bansa sa Southeast Asia sa hakbang ng China, ayon sa State US Department noong Martes.

“We do have concerns about this map which is causing tension and anxiety between and among the states in the South China Sea,” pahayag ni State Department spokeswoman Victoria Nuland sa isang news briefing, ayon sa ulat ng Reuters.

“We do intend to raise this with the Chinese in terms of it not being helpful to the environment we all seek to resolve these issues,” dagdag pa ni Nuland.

Kinondena ang Pilipinas at ng Vietnam kamakailan ang naturang mapa na nakatatak sa bagong “microchip-equipped passports,” at sinabing nnilabag ng China ang kanilang soberenya dahil inangkin ng nito ang lahat ng pinagtatalunang mga isla.

Matatandaang nagpalabas din ang India, na may hidwaan sa China ukol sa mga hangganan sa dalawang rehiyon sa Himalayas, ng visa kung saan nakatatak ang mapa batay sa bersyon ng India sa mga hangganan ng kanyang teritoryo.

Samantala, patuloy naman umanong tatanggapin ng US ang bagong passport ng China dahil sapat umano ang legal na batayan sa pagiging travel document nito.

Ngunit isinusulong ng US na dapat magkasundo ang China at mga kapit-bansa nito sa isang code of conduct para maibsan ang bangayan sa teritoryo.

“That’s a different matter than whether it’s politically smart or helpful to be taking steps that antagonize countries that we want to see a negotiation happen with,” ayon kay Nuland. — LBG, GMA News

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail